-- Advertisements --

Muling nagpakawala ng pinaniniwalaang “ballistic missile” ang North Korea.


Ito ang iniulat ng Japanes government nitong Linggo.

Batay sa report ng Japan Coast Guard (JCG) ang nasabing unidentified projectile ay posibleng bumagsak na sa ngayon.

Ayon naman sa South Korean military ang nasabing projectile ay pinakawala sa eastward driection.

Kung ang nasabing projectile ay isang missile, ito na ang ika walong round of missile na inilunsad ng Pyongyang sa pagsisimula ng taong 2022.

Sa ngayon, hindi pa nagbibigay ng komento ang Pentagon o maging ang U.S. State Department hinggil sa pinakawalang projectile ng North Korea.

Ang paglulunsad ng ballistic missile ng North Korea’s ay mahigpit na pinagbawalan ng United Nations Security Council.