Nagbigay ng $5 million o nasa mahigit P254-million na donasyon ang non-profit organization ng singer na si Rihanna para sa paglaban sa pagkalat ng coronavirus disease 2019 o COVID-19.

Ayon sa Clara Lionel Foundation, na hindi nila lubos maisip ang gagawing pinsala ng nasabing virus kaya nararapat na labanan ito.

Lahat ng tao sa buong mundo aniya ay apektado kaya nararapat na magtulungan.

Kaagapay nila ang ilang grupo gaya ng Solidarity Response Fund ng World Health Organization, International Rescue Committee, Partners in Health, Direct Relief and Feeding America for their relief operations.

Gagamitin ang pondo para sa pagsuporta sa mga food banks na tutulong sa mga may edad na ganun din ang pagbili ng mga personal protective equipment para sa health workers.