Nagpaputok ang North Korea ng mga ballistic missile sa East Sea nitong umaga ng Miyerkules, Oktubre 22.
Ito ang pinakabagong missile launch ng NoKor makalipas ang mahigit limang buwan mula nang isagawa nito ang pinakahuling missile test.
Ayon sa Chiefs of Staff ng South Korea, nadetect nila ang naturang projectiles na pinaniniwalaang short-range ballistic missiles. Inilunsad umano ang missiles mula sa isang lugar sa Junghwa sa North Hwanghae Province.
Ito naman ang kauna-unahang ballistic missile provocation ng NoKor mula nang maupo si SoKor President Lee Jae-myung noong Hunyo.
Isinagawa din ng NoKor ang missile launch bago ang nakatakdang APEC Summit ng World Leaders kung saan ang South Korea ang host ngayong taon na gaganapin sa susunod na linggo at bago ang posibleng pagpupulong sa pagitan nina US President Donald Trump at Chinese President Xi Jinping sa South Korea.