Ipinahayag ni Kim Yo Jong, kapatid ni North Korean leader Kim Jong Un, na kailanman ay hindi inalis ng South Korea ang mga loudspeakers sa kanilang border, at wala rin daw silang balak itong alisin.
Tinawag niyang ‘pipedream’ o ilusyon ang paniniwala ng Seoul na ito ay tugon sa mga hakbang ng kapayapaan mula sa North Korea.
Sa isang pahayag sinabi pa ni Kim na kahit may kaunting pagbabago sa plano ng joint military drills ng South Korea at U.S., nananatili itong walang saysay at patunay ng patuloy na “hostile intent” ng mga alyado ng Seoul.
Tinanggihan din ni Kim Yo Jong ang posibilidad ng dayalogo sa Estados Unidos, sinabing mga maling haka-haka lamang ang mga ulat ukol dito.
Ito ay kasunod ng obserbasyon ng South Korean military na tila gumagalaw ang hanay ng North Korea na nag-aalis ng ilang loudspeakers—bagamat pinanindigan ng North Korea na wala silang tinatanggal.
Ayon sa tagapagsalita ng militar ng Pyongyang, dapat mag-ingat sa pagbibigay-kahulugan sa mga pahayag ng North Korea, na kadalasang hindi daw totoo.