-- Advertisements --

Dinapuan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang nobya ng panganay na anak ni US President Donald Trump.

Batay sa ulat, nagtungo sa South Dakota si Kimberly Guilfoyle, dating television personality sa Fox News at girlfriend ni Donald Trump Jr, para dumalo sa Fourth of July speech ng pangulo ng Amerika at celebration fireworks sa Mount Rushmore.

Agad namang isinailalim sa isolation si Guilfoyle matapos madiskubreng kinapitan ito ng virus sa isang routine test na isinagawa sa sinumang inaasahang makakasalamuha ng pangulo.

Sa pahayag naman ni Segio Gor, chief of staff ng finance committee ng Trump campaign, maayos na sa ngayon ang kalusugan ni Guilfoyle.

“She’s doing well, and will be retested to ensure the diagnosis is correct since she’s asymptomatic,” pahayag ni Gor.

“As a precaution (she) will cancel all upcoming events. Donald Trump Jr was tested negative, but as a precaution is also self-isolating and is canceling all public events,” dagdag nito.

Si Guilfoyle ang ikatlong indibidwal na malapit sa US president ang nagpositibo sa COVID-19 test.

Una nang lumabas na positibo sa COVID-19 ang personal valet ni Trump, at ang press secretary ni US Vice President Mike Pence. (AFP)