DAVAO CITY – Nagpatupad ngayon ng “No Tourism Tuesday” ang isla ng Garden City of Samal kung saan pagbabawalan ang mga resorts na magbukas sa araw ng Martes dahil pa rin sa patuloy na pagtaas ng kaso ng kaso ng Covid-19.

Ayon pa kay Jennifer Carraga, head ng City Investment and Tourism Office ng Samal, nasa 93 na ang kaso ng Covid-19 na naitala sa isla dahilan na nagpalabas sila ng kautusan na magsagawa ng disinfection sa kanilang mga resorts bawat araw ng martes.

Nilinaw naman ng opisyal na maaari pa rin na magpa-booking ang mga gustong pumunta sa mga beach resorts ng isla.

Nagpatupad ng mahigpit na seguridad ang IGACOS dahil katabing siyudad lamang ito ng Davao kung saan saan marami ang mga nagpositibo ng Covid-19.