-- Advertisements --

Nagtala ng big upset ang Memphis Grizzlies nang pahiyain ang seeded number 1 na Utah Jazz sa first round ng Game 1 sa playoff series, 112-109.

Dinala ni Dillon Brooks ang Grizzlie buwena manong panalo ang No. 8 sa Western Conference nang kumamada ng 31 points at seven rebounds.

Nagposte rin si Brooks ng single-game franchise scoring record para sa Memphis sa kanilang NBA playoff debut.

Memphis Grizzlies Dillon brooks

Dati na itong nagawa noon pang 2011 ni Marc Gasol.

Ang guard na si Ja Morant ay tumulong din naman sa 26 points, habang sina Jonas Valanciunas ay nagdagdag ng 15 points at 12 rebounds, at Kyle Anderson ay nagtapos sa 14 points.

Sinamantala ng Grizzlies ang hindi pa rin paglalaro ng top scorer ng Jazz na si Donovan Mitchell.

Minalas pa sa kanilang mga tira sa first quarter ang Utah na dati rati ay pinakamatinik sa three points area.

Si Bojan Bogdanovic ay uminit na sa fourth quarter kung saan naipasok ang 20 mula sa kanyang 29 na puntos.

Si Mike Conley naman ay nasayang ang 22 points, 11 assists, at six rebounds, at ang bigman na si Rudy Gobert ay nagpakita ng 15 rebounds at 11 points. Na-foul out pa ito sa game na may mahigit apat na minuto pa ang nalalabi.

Ang Fil Am na si Jordan Clarkson ay nagbuslo naman ang 14 points mula sa 30 minuto na paglalaro.

Inalat din ito sa three point area na walang naipasok sa walong pagtatangka.

Sa unang pagkakataon din walang nagawang three pointer si Clarkson para matigil na ang 94 games na kanyang pamamayagpag.

Ang Game 2 ng serye ay gagawin sa Huwebes bago tumungo sa homecrowd ng Jazz sa Game 3.