-- Advertisements --

Nakaalerto ngayon ang Department of Health (DOH) sa inaasahang pagtaas ng kaso ng leptospirosis sa bansa.

Ito ay kasunod ng mga tuluy-tuloy na pag-ulan na nagdulot ng mga pagbaha bunsod ng magkakasunod na bagyo at habagat noong mga nakalipas na linggo.

Sa datos ng DOH, nakapagtala na ng 3,037 kaso ng leptospirosis mula Enero 1 hanggang Hulyo 19 ng kasalukuyang taon.

Sa naturang bilang, mahigit 1,000 dito ay naitala mula Hunyo 8, isang linggo matapos ideklara ng state weather bureau ang panahon ng tag-ulan sa bansa noong Hunyo 2.

Mula naman noong Hulyo 13 hanggang 31, nakapagtala ang ahensiya ng 569 na kaso ng lestospirosis sa mga ospital ng DOH.

Kaugnay nito, muling nagpaalala ang ahensiya sa publiko na nakamamatay ang naturang sakit kayat dapat itong aksyunan lalo na kung lumusong sa tubig baha.

Payo ng DOH na dapat maghugas ng katawan kapag lumusong sa baha, bantayan ang sarili para sa posibleng maramdamang sintomas, komunsulta sa doctor kapag lumusong sa baha kahit walang sintomas at uminom ng gamot laban sa sakit base sa nireseta ng doctor.