-- Advertisements --
Nakatakdang simulan ng Department of Agriculture (DA) ang pagbebenta ng P20 kada kilo ng bigas sa ilang lugar ng Region 2 at 3.
Ayon kay DA Deputy Spokesperson Assistant Secretary Joycel Panlilio na sa Agosto 13 sisimulan nila ang pagbenta ng P20/kg na bigas sa piling lugar sa Region 2 at 3 kabilang na ang mga magsasaka at mga middle-income na pamilya.
Mayroon kasing inilaan na P18 bilyon na budget ng ahensiya para sa nasabing programa.
Magugnitang inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang pagpapalawig ng pagbebenta ng P20/kg ng bigas sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.