-- Advertisements --

Pinatawan ng Office of the Ombudsman sa anim na buwang preventive suspension si National Irrigation Administration (NIA) Administrator Benny Antiporda.

Kasunod ito sa inihaing administrative complaints ng ilang empleyado ng NIA.

Ang limang pahinang kautusan ay inilabas ni Ombudsman Samuel Martires dahil sa reklamo ng mga empleyado ng NIA na sina Lloyd Allain Cudal at Michelle Gonzales Raymundo laban kay Antiporda.

Ito ay dahil sa conduct prejudicial to the best interest of the service, grave misconduct, harassment, oppression, at ignorance of the law.

Inilabas ang nasabing suspension order matapos ang ginanap na masusing pag-aaral sa nasabing reklamo.

Tiniwag naman ni Antiporda na ang reklamo sa kaniya ay walang basehan at pawang mga imbento lamang.

Handa umano niyang harapin ang nasabing alegasyon para malinisan ang kaniyang pangalan.