-- Advertisements --

Kinumpirma ni Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) administrator Hans Leo Cacdac na sa Hulyo 20 darating ang susunod na batch ng mga bangkay ng mga nasawing overseas Filipino workers (OFWs) sa Saudi Arabia.

Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Cacdac na patuloy ang kanilang koordinasyon sa kanilang mga counterparts sa Saudi government para maiuwi lahat sa lalong madaling panahon ang mga labi ng mga OFWs.

Ayon kay Cacdac, tinanggal na ng Saudi government ang deadline sa gagawing repatriation kaya tiyak na maiuuwi lahat ang mga kababayang nasawi sa COVID-19 at iba pang sakit.

Noong nakaraang Linggo, nasa 49 na bangkay ng mga OFWs ang naiuwi na kinabibilangan ng mga nasawi sa COVID-19.