BUTUAN CITY – Dinadayo ng tinatayang 10-libong mga turista na karamihan ay mula sa Estados Unidos, ang Miramichi City sa New Brunswick, Canada, partikular na ang kanilang airport, masaksihan lamang ang total solar eclipse kaninang alas-3:25 ng madaling araw, oras ng Pilipinas habang hapon naman sa nasabing lugar.
Sa ekskusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Bombo international news correspondent Roland Galano na 3-minuto nilang nasaksihan ang total solar eclipse pasado alas-4:45 ng hapon at natapos naman dakong alas-5:42 ng hapon.
Pinaghahandaan umano ng Miramishi local government ang nasabing pehenomenon dahil sa bisperas pa lang nito ay naglunsad na sila ng drone show kung kaya’t inaabagangan talaga ito ng lahat.
Namangha pa si Galano dahil naglaan din ng pundo ang kanilang local government unit na ginagamit sa pamimili ng 3-libong eclipse glasses na libreng ipinamimigay sa mga nasa vicinity ng airport.