-- Advertisements --
Nanawagan ang US sa ibang mga bansa na pigilan ang pagsuplay ng armas sa paramilitary Rapid Support Forces (RSF) ng bansang Sudan.
Ayon kay US Secretary of State Marco Rubio na ang nasabing grupo ay siyang nasa likod ng mga malawakang patayan sa lungsod ng el-Fasher sa Sudan.
Maraming mga sibilyan ang kanilang ginahasa at walang awang pinaslang.
Isinagawa ni Rubio ang panawagan sa huling araw ng G7 foreign ministers meeting sa Canada.
Inakusahan ng army ng Sudan ang United Arab Emirates na siyang nagsusuplay ng armas sa RSF na mariing pinabulaanan naman ng UAE.
Mula pa noong Abril 2023 ay patuloy ang labanan ng RSF sa sundalo dahil sa pagtatangka nilang pag-agaw ng kapangyarihan.
















