Naniniwala di House Ways and Means Chairman at Albay Representative Joey Salceda na ang paglagda ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa New Agrarian Emancipation Act ay siyang ” best accomplishment ng administrasyong Marcos.”
Sinabi ni Salceda ang nasabing batas ang lalaya sa mga magsasaka sa mula sa pagkakautang.
Itatama din ng batas ang mali sa Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) na siyang pakikinabangan ng nasa 654,000 Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs).
“This landmark law emancipates agrarian reform beneficiaries from debt, and from estate taxes, which are basically death taxes. Free from debt. Free from death taxes,” pahayag ni Salceda.
Sinabi ni Salceda, sa katunayan, aabot sa ₱418-B ang halaga ng lost productivity kada taon sa CARP lands.
“More than 69% of poverty in this country is rural because agrarian lands were tied down, in liens and due to the non-transferability restriction, they could not maximize output. It consigned rural areas to low economic activity.” dagdag pa ng mambabatas.
Sa pagtaya ng ekonomistang mambabatas, magreresulta ang pagbura sa mga utang ng mga magsasaka sa pagtaas ng productivity rate ng 23.8%.
Dagdag pa ng Albay solon na ang isa sa mga dahilan kung bakit tumigil ang produksyon sa mga agrarian lands ay dahil hindi ito mailipat sa mga younger generations ng mga magsasaka dahil sa utang at estate tax na dapat mabayaran.
Sa ilalim ng batas, ang mga lupa ng agrarian reform beneficiaries bilang estates ay exempted mula sa estate taxes.
Hinihimok din ng bata ang mga local governments na bigyang ng real property tax exemptions or amnesties sa mga agrarian reform lands.