Nets Lakers James Harden
-- Advertisements --

Hindi na natapos ng NBA superstar na si James Harden ang laro pero nagawa pa ring idispatsa ng Brooklyn Nets ang Houston Rockets, 120-108.

Ang Rockets ay dating team ni Harden.

Dahil sa panalo ang Nets, sila na ngayon ang No. 1 team sa Eastern Conference na meron ng kabuuang 33 wins ngayong season.

Hindi na nakalaro pagsapit sa 4th quarter si Harden pero nagtapos pa rin ito sa 17 points, 8 rebounds, at 6 assists.

Pero hindi naman hinayaan ni Kyrie Irving na tuluyang madiskarel ang diskarte ng Brooklyn nang kumamada ng 31 points at season high na 12 assists.

-- Advertisement --

Ang isa pang Nets All-Star na si Kevin Durant ay hindi pa rin nakakalaro dahil din sa hamstring strain.

Samantala nag-ambag din naman sa game kanina si Joe Harris na may 28 points para sa kanilang 19th win sa huling 22 games.

Sa kampo ng Rockets nanguna si Kevin Porter Jr. na nagtala ng 20 points.