-- Advertisements --
Isinuko na ng social media influencer na si Cherry White ang kaniyang drivers license sa Land Transportation Office.
Kasunod ito sa pagpataw ng LTO ng 90 day suspension at paglagay sa ‘alarm’ ang sasakyan ni White matapos na nakitang nagmamaneho na nakataas ang isang paa.
Ayon kay LTO Executive Director Greg Pua Jr, na humingi rin ng paumanhin si White at handa ito ng makipagtulungan sa imbestigasyon nila.
Paliwanag ni White na mahigit tatlong buwan na niyang naipost ang video sa kaniyang Instagram subalit ito ay nairepost ng ilang netizens kaya siya nag-viral.
Binigyan rin ng LTO si White ng hanggang Lunes na maglabas ng kaniyang mga dokumento ng sasakyan na kaniyang ginamit sa viral video.