Natuldukan na rin ng Brooklyn Nets ang kanilang tatlong sunod-sunod na pagkatalo matapos na “imasaker” nila ang Dallas Maverricks, 127-88.

Mula sa first quarter ay hindi na lumingon pa ang Nets hanggang sa tambakan ng 39 points sa pagtatapos ng kanilang ika-33 panalo ngayong season.

Susi sa lopsided win ng Nets ang ginawang pagbabago sa kanilang starting line-up na sinuparthan din ng kanilang reserves.

Nagsama sama ng puwersa sina DeMarre Carroll na may 22 points, Rodions Kurucs na nagbuslo ng 19 at Caris LeVert na nagpakita ng 18 points.

Hindi naman naitago ni Mavericks coach Rick Carlisle ang labis na pagkadismaya sa kinalabasan ng game.

Nasayang din ang ginawang diskarte nina Dwight Powell na may 20 points at Luka Doncic na nagtapos ng 16 para sa Mavs.

Ang next game ng Mavericks ay sa Washington sa Huwebes.

Habang host naman ang Nets sa karibal na Cleveland.