-- Advertisements --

Muling na nagsama ng puwersa ang tinaguriang big three ng Brooklyn Nets upang iposte ang ika-11 panalo laban sa Miami Heat, 98-85.

Naging balanse ang scoring ng mga superstars ng Brooklyn kung saan sina James Harden at Kevin Durant ay kapwa nagtala ng 20 points habang si Kyrie Irving naman ay nagpakita ng 16 points at walong rebounds.

Irving harden Durant Nets
Nets ‘big three’ Kyrie Irving, James Harden, Kevin Durant (@BrooklynNets)

Liban nito, si Harden, Durant at Joe Harris ay pawang nagbuhos ng tig-tatlong three points shots.

Ang panalo ng Nets ay sa kabila na medyo inalat sina Durant at Harden sa halos tatlong quarters.

Pagsapit ng 4th quarter doon na rumatsada ang Nets para tuluyang ma-sweep nila sa dalawang laro ang minamalas na Heat.

Sinamantala rin ng Nets ang kakulangan pa rin ng players ng Miami tulad nina Jimmy Butler, Tyler Herro, Meyers Leonard, Maurice Harkless dahil sa injury at si Avery Bradley na tinamaan ng COVID-19.

Muling nasayang ang 26 big points, 10 rebounds at five assists ni Bam Adebayo kung saan nalasap ng Miami ang ika-10 nilang talo.

Nito lamang nakalipas na Linggo nagpakita ng career-high na 41 points si Adebayo.

Ang next game ng Heat ay host sila ng Denver Nuggets sa Huwebes.

Habang ang Nets ay may road trip patungong Atlanta.