Umabot na sa higit 139,000 na indibidwal ang naapektuhan ng mga pag-ulan na dulot ng Low Pressure Area (LPA), Habagat, at Bagyong Jacinto .
Ito ay batay narin sa inilabas na datos ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ang nasabing bilang ay katumbas naman ng na sa 30,000 na pamilya na naitalang apektado ng naturang sama ng panahon.
Ang malaking bilang na ito ay nagpapakita ng lawak ng pinsalang idinulot ng mga nabanggit na sama ng panahon sa iba’t ibang komunidad.
Bilang resulta ng mga pag-ulan at pagbaha, mayroong 248 pamilya, na binubuo ng 857 indibidwal, ang kasalukuyang nananatili sa 5 itinalagang evacuation centers.
Bukod pa rito, halos 5,000 pamilya ang pansamantalang nanunuluyan sa mga bahay ng kanilang mga kamag-anak upang makahanap ng masisilungan at proteksyon.
Kaugnay ng sitwasyon, ang DSWD ay patuloy na nagbibigay ng tulong sa mga apektadong komunidad. Ang kabuuang halaga ng tulong na naipamahagi na ng DSWD ay umaabot na sa ₱5 milyon. Kabilang sa mga tulong na ito ang pagkain, tubig, gamot, at iba pang pangunahing pangangailangan.
Bukod pa rito, nananatiling nakahanda ang ₱2.4 bilyong pondo ng kagawaran upang tumugon sa anumang karagdagang pangangailangan sakaling lumobo pa ang bilang ng mga residenteng apektado ng kalamidad.