-- Advertisements --

Inanunsyo ng Netherlands nitong Biyernes na ibabalik nila sa Indonesia ang mahigit 28,000 fossil, kabilang ang mga bahagi ng tinaguriang “Java Man” ang mga pinakaunang fossil ng Homo erectus —na ninuno ng modernong tao.

Ang mga fossil, na bahagi ng tinatawag na Dubois Collection, ay unang kinuha mula sa Indonesia noong 1891 ng Dutch anthropologist na si Eugene Dubois, nang panahon ng kolonisasyon ng Netherlands sa bansa.

Ayon sa gobyerno ng Netherlands, ang koleksyon ay mahalaga sa pag-aaral ng ebolusyon ng tao, ngunit napag-alaman ng Dutch Independent Colonial Collections Committee na ang mga fossil ay malamang na nakuha nang walang pahintulot mula sa lokal ng bansa, kaya’t inirekomendang ibalik na ito.

Nabatid na ito na ang ika-anim na pagkakataon na magbabalik ang Netherlands ng mga koleksyon mula sa mga dating nasasakupan, tulad ng pagbabalik ng mga Benin Bronzes sa Nigeria nitong taon.