-- Advertisements --

Pinanindigan ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu ang pag-atake nila sa Doha, Qatar target ang matataas na opisyal ng Hamas noong Setyembre 9.

Sa isang press conference, sinabi ni Netanyahu na ang kanilang naging aksiyon ay “justified”.

Aniya, konektado ang Qatar sa Hamas kung saan pinapalakas, ikinakanlong at pinopondohan umano ng Qatar ang grupo.

May kakayahan din umano ang Qatar na umatras subalit hindi nito ginawa.

Matatandaan, nagresulta ang pagbomba ng Israel sa Doha ng pagkasawi ng anim na katao, subalit walang nadamay dito na matataas na opisyal ng Hamas na siyang target ng Israel.

Bilang tugon, nagsagawa ang Qatar ng emergency summit ng Arab League and Organisation of Islamic Cooperation kahapon, Setyembre 16 na dinaluhan ng lider ng halos 60 bansa para ipanawagan ang mahigpit na aksiyon laban sa Israel.