CENTRAL MINDANAO- Patay ang isang fruit vendor sa pamamaril sa lalawigan ng Maguindanao.

Nakilala ang biktima na si Wawi Gani, 50 anyos, may asawa, negosyante at nakatira sa Makakua Street, Barangay Poblacion 5, Cotabato City.

Ayon sa ulat ng pulisya nagpapa-ayos ng kanyang sasakyan sa shop ang biktima sa brgy Salimbao Sultan Kudarat Maguindanao nang pagbabarilin ng hindi kilalang suspek gamit ang kalibre.45 na pistola.

Mabilis namang tumakas ang salarin na naglalakad lang umano patungo sa mataong lugar at biglang naglaho.

Patay on the spot ang biktima nang magtamo ng apat na tama ng bala sa kanyang katawan.

Rido o personal na alitan ang natatanaw ng mga otoridad sa pamamaril patay sa biktima na patuloy nilang iniimbestigahan.