Patay ang isang negosyante sa pananambang sa probinsiya ng Cotabato.

Nakilala ang biktima na si Fernando “Jeff” Cordova,44 anyos,may asawa at residente ng Brgy Kolambog Pikit North Cotabato.

Ayon kay Pikit Chief of police Major Mautin Pangandigan na habang sakay ang biktima sa minamaneho nitong town ace jeep kasama ang kanyang anak sa Brgy Genatilan Pikit Cotabato ay bigla itong pinagbabaril ng mga hindi kilalang suspek gamit ang kalibre.45 na pistola.

Mabilis naman tumakas ang mga suspek lulan sa isang motorsiklo patungo sa liblib na lugar sa bayan ngm Pikit.

Naisugod pa sa pagamutan si Cordova ngunit binawian din ng buhay nang magtamo ng maraming tama ng bala sa ibat-ibang parte ng kanyang katawan.

Ligtas naman ang anak ng biktima na nagtago sa loob ng jeep.

Sa ngayon ay blangko pa ang mga otoridad sa motibo sa pamamaslang sa biktima at patuloy pa silang nag-iimbestiga.