-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Binawian ng buhay ang isang negosyante sa pamamaril sa lalawigan ng Maguindanao.

Nakilala ang biktima na si Saudi Kasibah Lumenda, 32, may asawa at residente ng Barangay Baital Rajah Buayan Maguindanao.

Ayon sa ulat ng pulisya na lulan ng kanyang sasakyan ang biktima sa bahagi ng Sitio Tapatan, Barangay Kitango, Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao nang dikitan ito ng riding in tandem suspects at pinagbabaril gamit ang kalibre .45 na pistola.

Agad namang tumakas ang mga salarin patungo sa liblib na lugar sa bayan ng Datu Saudi Ampatuan.

Naisugod pa ng mga concerned citizen ang biktima sa Maguindanao Provincial Hospital ngunit hindi na ito umabot ng buhay nang magtamo ng apat na tama ng bala sa kanyang katawan.

-- Advertisement --

Personal na alitan o rido ang natatanaw ng mga otoridad na motibo sa pamamaril patay sa biktima na patuloy nilang iniimbestigahan.