-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY-Patuloy pang iniibestigahan sa mga otoridad ang nangyaring pamamaril sa isang negosyante sa Barangay Matampay, Marawi City.

Kinilala ang biktima na si Sohaily Domagay Pandapatan, 38-anyos, may asawa at residente sa Brgy Sta. Elena, Iligan City.

Sinabi ni Marawi City Police Station Commander Lt. Col. Thomas Pantaleon na pauwi na sana ang biktima nang biglang pinagbabaril ng riding in tandem gamit ang kalibre 45.

Dinala pa sa Amai Pakpak Medical Center ang negosyante ngunit binawian na ito ng buhay.

Ayon kay Lt. Col. Pantaleon na kabilang sa kanilang tinututukan ang babaeng naging textmate nito.

-- Advertisement --

Napag-alamang base sa text message sa cellphone, laging naghahanap ang babae sa lokasyon ng biktima.