Kinumpirma ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Ricardo Jalad na sumailalim na ito sa home quarantine.

Ito’y matapos makasalamuha si Jalad ang isang indibidwal na nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Pero nilinaw ni Jalad, wala siyang nararanasang anumang sintomas ng sakit at maayos naman ang kaniyang pakiramdam kaya’t maituturing siyang person under monitoring (PUM).

Aniya, dahil sa mga panuntunan ng Department of Health (DOH), sinabi ni Jalad na kailangan niyang sumailalim sa quarantine sa loob ng 14 na araw.