Naniniwala ang Metro Manila Council na posibleng mailagay na sa modified general community quarantine (MGCQ) ang National Capital Region (NCR) pagsapit ng Nobyembre ngayong taon.
Sinabi ni Metro Manila Council chairman at Parañaque mayor Edwin Olivares, mangyayari ang MGCQ kung magpapatuloy ang pagbaba ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa Metro Manila hanggang sa katapusan ng Oktubre.
Maliban dito, kailangan din umanong magpatuloy ang pagtaas ng recovery rate na ngayon ay nasa 90 porsyento na ngayon.
Ayon kay Olivarez, hindi na rin punuan ang mga intensive care units (ICUs) at malayo na sa nakalipas na dalawang buwan na halos wala nang mapaglagyan ang mga pasyenteng critical ang lagay.
Inihayag pa ni Olivares na mahalaga ring obserbahan pa rin ng ating mga kababayan ang disiplina at pagsunod sa mga ipinatutupad na health protocol.