-- Advertisements --

Nakipag pulong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kay Central Intelligence Agency (CIA) Director John Ratcliffe sa Washington, D.C. kahapon, July 21, 2025.

Kasama ng Pangulo sa nasabing pulong sina National Security Council (NSC) Secretary Eduardo Ano at Defense Secretary Gilberto Teodoro.

Ilang mahahalagang usapin ang tinalakay subalit hindi na ito ibinahagi pa sa media.

Ang CIA ay isang US government agency na nagbibigay ng mga objective intelligence  sa mga banyagang bansa at sa mga pandaigdigang mga isyu sa Pangulo, National Security Council at sa ibang policymakers.

Si Ratcliffe ay itinalaga bilang CIA Director nuong January 23,2025.

Siya ang dating Director ng National Intelligence.

Kabilaan ang pulong na dinaluhan ng Pangulo habang nasa Washington ito para sa kaniyang tatlong araw na Official Visit.