-- Advertisements --

Kinumpirma ni DILG Secretary Eduardo Año na isasailalim sa Alert Level 4 ang buong National Capital Region (NCR) simula September 16, ito’y matapos aprubahan ng IATF.

Paliwanag ni Año, malaki ang pagkakaiba ng alert level system sa ipinatupad na dating community quarantine dahil patuloy pa rin na mag-o-operate ang economic activities o bukas ang mga business establishment sa mga lugar na hindi nasasakupan ng granular lockdown.

Siniguro ni Año na walang mangyayaring gulatan sa implementasyon ng granular lockdown dahil natukoy na ng mga LGUs ang mga lugar na isasailalim sa partikular na ang restrictions.

Sinabi ng kalihim na ang granular lockdown ay isang portion lamang sa isang siyudad partikular sa mga barangay.

DILG eduardo Ano IATF facemask

Kapag isinailalim sa granular lockdown ang isang lugar magiging mas mahigpit ito dahil may sinusunod silang principle of crisis ang close current contact.

Ito yung mga mga activities na madaling magkaroon ng hawahan kaya dapat ito ang kokontrolin sa iba’t ibang level.

Ang Alert Level 4 naman ay katumbas ng MECQ pero ang focus dito ay ang close crowd contact.

Binigyang-diin naman ng kalihim, ang mga LGUs ang magdedesisyon sa pagpapatupad ng granular lockdown at ang tanging papayagan lamang na lumabas at pumasok sa nasabing lugar ay mga health care workers.

Ang mga residente naman na nasa labas at naabutan sa implementasyon ng granular lockdown ay maaaring umuwi sa kanilang bahay pero hindi na sila makakalabas pa.

Kapag ang isang lugar ay nasa granular lockdown, sasailalim ito sa dalawang linggong restrictions.

“Alert level 4 ang ipapatupad sa NCR (Alert Level 4 will be implemented in the NCR),” pahayag pa ni Año.