-- Advertisements --

Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang naging rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) na ibalik sa General Community Quarantine (GCQ) ang Metro Manila, Rizal, Laguna, Bulacan at Cavite simula Agosto 19 hanggang Agosto 31.

Isinagawa ng pangulo ang pag-apruba kasabay ng kanilang national address mula sa lungsod ng Davao nitong Lunes ng gabi.

Ang nasabing rekomendasyon ay binasa ni Presidential spokesman Harry Roque matapos ang ginawang pagpupulong ng IATF at Metro Manila Council (MMC).

Ang mga natitirang bahagi ng bansa naman ay mananatili sa modified general community quarantine.

Ilang lugar naman na nasa GCQ ay ang Nueva Ecija, Batangas, Quezon, Ilo-ilo City, Cebu City, Lapu-Lapu City, Manadaue City, Talisay City, Minglanilla at Consolacion sa Cebu.

Sinabi ni Roque, na sa ilalim ng GCQ ay mas maraming mga establishimento ang bukas, papayagan ang dine-in service pero dapat ay 30% lamang ganoon din ang pagdalo sa misa.

Magugunitang inirekomenda ng grupo ng mga doktors na ilagay sa modified enhanced community quarantine (MECQ) ang NCR at ilang bahagi ng bansa para magkaroon silan ng pagpapahinga dahil sa tumataas na kaso ng coronavirus.