Nakahanda na ang National Capital Region Police Office (NCRPO) para sa isasagawang Trillion Peso March sa Nobyembre 30 ito’y para aniya maiwasan ang karahasan na nangyari noong Setyembre 21 rally sa Manila.
Sa isang panayam sinabi ni Police Major Hazel Asilo, chief ng NCRPO Public Information Office na kanila nang pinaigting ang monitoring sa social media dahil nakita aniya nila na dito hinihikayat ang kabataan na sumali sa mga protesta.
Maalalang noong Setyembre 21, umabot sa 216 katao ang naaresto, kabilang ang 89 na menor de edad, matapos lumala ang karahasan sa protesta laban sa malawakang protesta sa anomalya sa flood control projects.
Ang Trillion Peso March sa Nobyembre 30 ay inorganisa ng ilang sektor upang humiling muli ng agarang pananagutan, pagbabalik ng ninakaw na pondo sa publiko, at transparency sa gobyerno.
















