-- Advertisements --

Itinanggi ng National Bureau of Investigation (NBI) nitong Lunes ang pahayag ni dating Anakalusugan Party-list Representative Mike Defensor na umano’y pinahirapan ng NBI ang aide ni dating Ako Bicol Party-List Representative Zaldy Co, na si John Paul Estrada.

Ayon kay NBI OIC Director Angelito Magno, walang katotohanan ang alegasyon ng kongresista at hinamon si Defensor na magbigay ng ebidensya para patunayan ang kanyang pahayag.

Nilinaw din ni Magno na si Estrada ay hindi ikinulong o dinakip ng NBI.

Ang alegasyon ni Defensor ay kasunod ng pahayag ni Co noong Biyernes na ipinapasok umano sa 2025 national budget ang P100 billion proyekto na iniutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kasama si Budget Secretary Amenah Pangandaman at dating House Speaker Martin Romualdez.

Itinanggi naman ng Malacañang ang claim ni Co at hinikayat siyang bumalik sa Pilipinas upang patunayan ang kanyang akusasyon.