IMG 20190614 183151

Nais daw munang siguruhin ng National Bureau of Investigation (NBI) na walang magiging butas sa kasong isasampa laban sa KAPA na iligal na nag-o-operate sa bansa kaya bigo silang magsampa ng kaso ngayong araw.

Ayon Kay NBI-National Capital Reigon (NCR) Director Atty. Cesar Bacani, marami pa kasi silang iniipon na mga dokumento kasama na ang mga transmittal letter at pagpapa-photo copy ng mga attachment ng isusumiteng ebidensiya.

Kaugnay nito, patuloy naman daw ang koordinasyon ng NBI sa Securities and Exchange Commission (SEC) sa isyu kung sila na ang magsasampa ng kasong paglabag sa Securities and Regulation Code laban sa mga nasa likod ng sinasabing investment scam.

Nais din munang alamin ng NBI sa SEC kung sadyang may probisyon sa batas na ang SEC lang ang puwedeng magsampa ng kaso o puwede rin ang iba pang law enforcement agency katulad ng NBI.