Naglabas ng opisyal na pahayag ang National Bureau of Investigation ngayong araw ukol sa mga alegasyon ni former Congressman Mike Defensor.
Mariing pinabulaanan ng kawanihan ang mga paratang ng dating mambabatas nagdadawit sa mga tauhan nito na nanakit umano sa aide ni former Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co.
Partikular na itinanggi ng NBI ang alegasyon binugbog at ilegal na ikinulong si John Paul Estrada, aide ni Zaldy Co at pati asawa nitong si Chile.
Pati ang pagbibigay ng umano’y pekeng pasaporte para ito’y lumipad palabas ng bansa para di’ makapagtestigo ay mariing pinabulaanan din.
Giit ng NBI, na ang mga alegasyon ito ay walang patunay o ebidensya at mga ispekulasyon lamang.
Wala anilang ulat, reklamo o medical records nagpapakita na pisikal na inabuso sina Estrada at kanyang mga asawa.
Habang dagdag pa ng NBI na wala ding ‘record’ nagsasabing nasa pangangalaga o kustodiya nila ang mga nabanggit na indibidwal.
Kung kaya’t kinundena ng kawanihan ang mali, at pekeng mga pahayag na layon lamang umano siraan ang kredibilidad at integridad ng institusyon.















