Reading Time: 1 minute
Menardo Guevarra
Justice Sec. Menardo Guevarra

Ipinag-utos na ni Justice Sec. Menardo Guevarra sa National Bureau of Investigation (NBI) na magsagawa ng malalimang imbestigasyon sa pagkamatay ng 4th class cadet ng Philippine Military Academy (PMA) sa Baguio City.

Ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra, inatasan na niya si NBI Dir. Dante Gierran na magsagawa ng imbestigasyon at case build up sa hazing na ikinamatay ng kadeteng si Darwin Dormitorio noong September 18.

Inatasan din ni Gueverra si Gierran na agad magsumite ng report sa isasagawang imbestigasyon direkta sa opisina ng kalihim.

Kapag nakitaan naman ng sapat na ebidensiya, nais din ng kalihim ng DoJ na agad magsampa ang NBI ng appropriate charges laban sa mga personalidad na sangkot sa hazing.

Ang direktiba ni Guevarra sa NBI ay bilang pagtalima sa probisyon ng Republic Act No. 10867 o ang National Bureau of Investigation Reorganization and Modernization Act na nagbibigay ng kapangyarihan sa Secretary of Justice na atasan ang NBI na magsagawa ng agarang imbestigasyon sa ano mang krimen kapag kinakailangan para sa public interest.