NBI HINIKAYAT SI SEN BATO NA HARAPIN ANG MGA PARATANG, ITIGIL ANG PAGTATAGO
Hinimok ng National Bureau of Investigation (NBI) si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa na harapin ang kinahaharap nitong kaso at itigil ang umano’y pagtatago sa mga awtoridad.
Ayon kay NBI Director Melvin Matibag, mas makabubuting harapin ni Dela Rosa ang mga alegasyon kaugnay ng crimes against humanity bilang dating opisyal ng law enforcement. Giit niya, si Dela Rosa umano ang naging sentro ng mga pangyayaring nagdulot ng tensyon sa Senado.
Sinabi rin ni Matibag na nagsilbing paglilinaw ang ulat ng Philippine National Police (PNP) na walang ebidensya na inatake ng NBI ang Senado noong Mayo 13, matapos silang masangkot sa kontrobersiya.
Samantala, sinabi ng Department of Justice (DOJ) na naghihintay sila sa mga legal na proseso ngunit maaaring agad kumilos ang mga awtoridad kung tangkain ni Dela Rosa na umalis ng bansa. (Report by Bombo Jai)
















