-- Advertisements --

Hindi isinasantabi ng National Bureau of Investigation (NBI) ang posibilidad ng pagkakaroon ng espionage network sa bansa, kasunod ng serye ng pagkaka-aresto sa mga Chinese na pinaghihinalaang nagsasagawa ng spying activities sa Pilipinas.

Pinakahuli sa mga na-aresto ay ang Chinese national sa Intramorus, Manila, malapit sa Commission on Elections (Comelec) central office.

Ayon kay NBI spokesman Ferdinand Lavin, posibleng mayroong mas malalaking grupo sa likod ng mga naaarestong Chinese na pinaghihinalaang nang-eespiya dahil mistulang ‘highly compartmentalized’ o nahahati-hati sa iba’t-ibang lebel ang mga naaaresto.

Maalalang nakuhanan ang naturang Chinese ng international mobile subscriber identity catcher, isang surveillance device na may kapabilidad na mag-intercept ng ma mobile communication sa loob ng malawak na radius.

Ayon kay Lavin, ang mga nakumpiskang device ay nagmula pa sa mga nakalipas na operator at inilipat lamang ang kostudiya nito sa naarestong Chinese habang tuloy-tuloy itong gumagana at ginagamit hanggang sa tuluyang masabat ng mga law enforcer sa Manila.

Hindi rin umano alam ng naarestong Chinese ang pangalan ng nag-pasakamay sa kaniya sa naturang devie.

Ayon sa opisyal, bahagi ng kanilang imbestigasyon ay ang tukuyin ang posibleng spying network sa bansa kung saan posibleng mas marami pa ang miyembro nito, sa kabila ng mga nauna nang naaresto.