Ipinoste ng Milwaukee Bucks ang kanilang ikawalong sunod na panalo matapos na idispatsa ang Los Angeles lakers, 131-120.

Nanguna sina Eric Bledsoe na may 31 points at si Malcolm Brogdon na nagdagdag ng 21 points upang itala ng Bucks ang kanilang ika-48 panalo ngayong season.

Si Bledsoe ay bago lamang umano pumirma ng $70 million para sa four-year extension.

Si Giannis Antetokounmpo ay nalimitahan lamang sa 16 points.

Bago nakalusot ang NBA’s best team kinailangan nilang kumayod ng husto sa fourth quarter dahil nakipagsabayan ng Lakers na umabot sa anim na beses ang pagtabla ng dalawang magkaribal sa loob ng huling pitong minuto.

Nasayang naman ang kumbinasyon nina LeBron at Brandon Ingram na kapwa merong  31 points each.   Liban dito nagtala rin si James ng 10 assists.

Si Rajon Rondo naman ay nagpakita ng 20 points.

Bukas ng Linggo ang Bucks ay haharapin ang Utah Jazz.

Samantala ang Lakers ay hangad na makabawi sa laban versus Phoenix.