Niluwagan na ng NBA ang kanilang patakaran sa mga manlalaro na namamahinga.

Sa memorandum na inilabas ng NBA, maaari lamang itong ipatupad sa mga koponan na mayroong magkakasunod na laban.

Bukod pa sa nararapat pagpahingahin ang mga beteranong manlalaro na mayroong malaking papel sa bawat laro.

Maaari ring mamahinga ng matagal ang isang manlalaro kapag ito ay galing sa isang sakit gaya ng COVID-19 habang ito ay nagpapalakas pa.

Nakatakdang magsimula ang bagong season ng NBA bago ang magpasko.

Sa lumang panuntunan na ang sinumang koponan na hindi pinaglaro o pinagpahinga ang mga malusog na manlalaro ay maaaring multahan ng aabot sa $100,000.