-- Advertisements --

Tuluyan ng kinansela ng NBA ang kanilang developmental G League season.

Ayon kay league president Shareef Abdur-Rahim, naging mabigat sa kanilang desisyon ang pagkansela ng natitirang season.

Pinasalamatan din nito ang mga players, coaches at teams dahil sa pakikibahagi sa laro ngayong season.

Umaasa ito na wala ng magiging aberya pa sa susunod na 2020-2021 season.
Iaanunsiyo naman sa mga susunod na buwan ang napili nilang Most Valuable Player, Coach of the Year at Rookie of the Year.

Magugunitang sinuspendi ang 2019-20 regular season ng G League noong Marso dahil sa coronavirus pandemic.

-- Advertisement --