Hindi umano naitago ng Miami Heat head coach na si Erik Spoelstra ang pagbibigay papuri kay Barangay Ginebra coach Tim Cone.
Si Cone kasi ay kabilang sa assistant coach ng Miami sa NBA Summer League.
Ilang mga NBA writers ang nakapansin din kay Cone tulad ni Ira Winderman ng South Florida Sun Sentinel na nag-report sa maiksing panahon na iniukol ni Cone sa summer league.
Nang matanong umano si Spoelstra ukol kay Cone, sinabi nito na isang legend na si Cone sa Pilipinas.
Ang tinutukoy ni Spoelstra ay ang pagiging winningest coach ni Cone sa NBA na may 24 championships na.
Nilinaw naman ng 24-anyos na si Cone sa PBA kasi tatlong beses ang torneyo kaya may tiyansa ang tatlong championships sa isang taon.
Samantala, naikwento rin naman ng Fil-Am coach na nagsimula ang pagkakaibigan nila ni Cone noon pang taong 2009 nang bumisita siya sa Pilipinas para sa NBA.
Liban nito, parehas din umano nagmula sila sa iisang lugar sa Oregon.
Kung maalala ang ina ni Spoelstra ay isang Pinay.