-- Advertisements --
Asahan ang panibagong taas presyo sa produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Base sa pagtaya ng Department of Energy (DOE) na maaring maglaro ng mula P2.00 hanggang P4.00 ang itataas sa kada litro ng gasolina.
Habang ang diesel ay tataas ng mula P3.00 hanggang P5.00 sa kada litro.
Sa araw pa ng Lunes malalaman kung magkano ang dagdag na presyo ng petrolyo na kadalasang ipinapatupad sa araw ng Martes.














