-- Advertisements --

Sentro ng atensiyon sa pagbubukas bukas ng bagong season ng NBA ang simula rin nang pagdepensa ng korona ng kampeon na Milwaukee Bucks.

Buwena manong makakaharap ng Bucks ang powerhouse team na Brooklyn Nets dakong alas-7:30 ng umaga.

Inaasahang muling mangunguna sa kampanya ng Bucks ang dating MVP na si Giannis Antetokounmpo.

Sa panig ng Brooklyn, hindi rin naman magpapahuli ang tambalang Kevin Durant at James Harden.

Kung maalala kontrobersiyal ngayon ang Brooklyn dahil hindi pinapalaro sa team ang isa pang big star na si Kyrie Irving bunsod na ayaw magpabakuna laban sa COVID-19.

-- Advertisement --

Samantala asahan din ang exciting game pagsapit ng alas-10:00 ng umaga sa pagitan ng magkaribal na Los Angeles Lakers at Golden State Warriors.

Kaabang abang din ang harapan ng dalawang team lalo na at pinalakas pa nila ang kanilang mga line-ups nitong nakaraang off season.