-- Advertisements --

Nagsimula na ang preseason ng NBA, dalawang linggo bago ang opisyal na pag-uumpisa ng 2025-2026 Season.

Unang nagharap ang New York Knicks at Philadelphia 76ers, dalawa sa mga bigating team sa Eastern Conference.

Sinundan ito ng laban sa pagitan ng Los Angeles Lakers at Phoenix Suns, dalawang Western Conference team na parehong pinamumunuan ng NBA stars.

Sa laban ng Knicks at Sixers, bumida si Knicks center Mitchell Robinson at kumamada ng 16 rebounds sa loob lamang ng 18 mins. na kaniyang paglalaro. Ibinulsa rin ng bigman ang pitong puntos.

Dinomina ng Knicks ang naturang laban at ibinulsa ang 15-point win, 22-84.

Sa laban naman ng Lakers at Suns, tinambakan ng huli ang 2020 NBA champion, 103-81.

Nanguna sa panalo ng Phoenix ang batikang guard na si Devin Booker na nagbulsa ng 24 points at pitong assists sa loob ng 25 mins. na paglalaro.

Batay sa schedule ng NBA, mahigit 60 ang nakatakdang preseason games na magtatagal hanggang October 18.

Magpapahinga ang bawat team ng ilang araw bago tuluyang magsisimula ang bagong season sa October 22.