-- Advertisements --
Pinalawig pa ng hanggang Mayo 3 ni Indian Prime Minister Narendra Modi ang kanilang nationwide lockdown.
Ang nasabing hakbang ay para tuluyan ng mapigilan ang pagkalat ng virus sa kanilang bansa.
Sinabi nito na ang mga estado na naiwasan ang outbreaks ay maaari ng ipagpatuloy ang kanilang mga mahahalagang aktibidad.
Sa kaniyang talumpati nanawagan ito sa mamamayan niya na sumunod na lamang sa ipinapatupad na lockdown para hindi kumalat pa ang nasabing virus.
Nagtapos na sana ang lockdown nitong April 14 na nagsimula ito noong Marso 24.
Patuloy naman ang operasyon ng mga tinatawag na essential services gaya ng tubig, electricity, health services, fire services, grocery stores at municipal services.