-- Advertisements --

Hindi pa matanggap na natalong kandidato mula sa Cebu City at Mandaue City ang naging resulta ng nakalipas pa lamang na midterm election ngayong taon sa kanilang lugar.

Dahil dito ay naghain sila ng na protesta laban sa kanilang naging katunggali sa nakalipas lamang na halalan ngayong taon.

Ayon kay former Mandaue City Mayor Jonas Cortez , kahina-hinala umano ang nangyaring glitch sa bilangan ng boto na nakaapekto sa naging resulta nito.

Nagtungo ang legal team ni Cortez sa opisina ng Comelec para ihain ang kanilang petisyon kahapon.

Binigyang diin ng kampo nito na kwestyunable ang naging tally ng resulta ng halalan sa kanilang lugar kayat kailangang ito ng paglilinaw.

Ang kanilang reklamo ay ibinatay sa mga salaysay ng kanilang mga watchers at abogado.

Paliwanag pa nito na ang pangunahing layunin ng kanilang hakbang na ito ay para protektahan ang boto ng mga mamamayan nito.

Samantala, naghain rin ng reklamo sa Comelec ang kampo ni dating Cebu City Mayor Michael Rama.

Ayon sa reklamo nito, maaaring nakaapekto ang naitalang glitch sa automated counting machines sa bilang ng boto .