-- Advertisements --

Inihayag ng Ukraine na mayroon ng nakamit na “common understanding” sa Amerika kaugnay sa peace deal na naglalayong mawaksan na ang giyera sa Russia.

Ang naturang proposal ay nakabase sa 28-point plan na iprinisenta ng US delegation sa Ukraine officials noong nakalipas na linggo, na trinabaho nila sa isinagawang pulong sa Geneva nitong weekend.

Sa isang post, sinabi ni US President Donald Trump na ang orihinal na plano ay naareglo na, kasama ang karagdagang input mula sa dalawang panig.

Ayon kay Trump, inatasan na niya ang kaniyang Special Envoy na si Steve Witkoff para makipagkita kay Russian President Vladimir Putin sa Moscow gayundin inatasan niya si US Secretary of the Army Dan Driscoll na makipagpulong sa Ukrainians.

Sa ngayon, hindi pa natanggap ng Russia ang kopiya ng bagong peace plan.