-- Advertisements --

Iginiit ng isang Obispo ng Simbahang Katolika na dapat ikulong kung kailangang maikulong ang mga sangkot sa korapsiyon.

Sa kaniyang homilya, inihayag ni Bishop Reynaldo Evangelista ng Imus na sa gitna ng nangyayaring mga anomaliya sa bansa, dapat na tutukan ang lahat ng ito.

Hindi na aniya papayagan pa ang ganitong klase ng Sistema at hindi na mananatiling tahimik lamang dahil pagod na aniya ang taumbayan sa mga opisyal na iniisip lamang ang kanilang mga sarili.

Sinabi din ng Obispo na ang galit ng publiko ay nag-ugat sa mga lider na hindi maayos na nanunungkulan, hindi tunay na nagmamalasakit at hindi tunay na nagmamahal sa mamamayan na kanilang pinangakuang pagsisilbihan.

Kaugnay nito, hinimok ng Obispo ang mga Pilipino na i-demand ang integridad mula sa mga opisyal at tumulong sa pagtatag ng pananagutan, pagsisimula ng responsableng pagpili at aksiyon sa kanilang mga komunidad.

Sa huli, inihayag ni Bishop Evangelista na uhaw na ang mga mamamayang Pilipino para sa mabuting pamamahala at maaari lamang aniyang umusad ang bansa kapag ang naging pamantayan ay transparency at responsbilidad.