-- Advertisements --

Pormal ng iprinoklama ng Commission on Election (COMELEC) si Jan Franz Norbert Joselito Almario Chan bilang bagong Ako Bicol Party-list representative kapalit ng nagbitiw na si Rep. Zaldy Co.

Pinanguahan ni COMELEC chairman George Garcia ang panunumpa ni Chan.

Si Chan ay 3rd nominee ng party-list noon ay tiniyak na isusulong niya ang pagiging matatag ng bansa laban sa anumang kalamidad.

Isa rin sa pangunahing batas na kaniyang isusulong ay ang pagtugon sa mental health problems, renewable energy bills, pagsuporta sa mga Persons with Disabilities at iba pa.

Magugunitang nasasangkot sa flood control projects anomalies si Co at ito ay nagtungo sa ibang bansa bago tuluyang nagbitiw sa puwesto.