-- Advertisements --
OFWS JEDDAH SAUDI COVID DFA

Nasa 500,000 OFWs nakikitang posibleng mawalan ng trabaho ng hanggang Agosto dahil sa COVID-19 pandemic.

Aabot sa 500,000 overseas Filipino workers (OFWs) ang inaasahang pansamantala o permanenteng mawawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 pandemic.

Sa virtual hearing ng House Committee on Overseas Workers Affairs, sinabi ni DOLE Usec. Claro Arellano na sa ngayon ang kabuuang bilang ng mga displaced OFWs ay aabot na sa 302,260.

Kasama sa naturang bilang ang mahigit 34,000 na OFWs na nakauwi na ng Pilipinas matapos na mawalan ng trabaho, pansamantala man o permanente, mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

Ayon kay Arellano, inaasahan nilang madadagdagan pa ito ng nasa 200,000 mula Hunyo hanggang Agosto.

Kaya ayon kay Labor and Employment chairman Eric Pineda, dapat paghandaan ng DOLE ang kanilang programa para sa libu-libong apektadon OFWs na ito.

Sinabi ni Pineda na dapat ding paghandaan ng DOLE ang paglobo pa lalo ng naturang bilang hanggang sa wala pang bakuna laban sa COVID-19.